DISCLAIMER
Ang bawat text message na ito ay walang kaugnayan sa personal kong pananaw at pag-uugali. Ang koleksyong ito ay mahigit 1,000 mga text message at maaaring ilan dito ay naglalaman ng mga pananalitang hindi angkop sa inyong panlasa.
Hindi ibig sabihing ito ay angkop naman sa akin, at hindi po ako ang kumatha ng mga ito. Ito ay pawang kathang Pinoy na natanggap mo na rin sa message inbox ng iyong mobile phone na maaaring natuwa ka ring i-forward sa iba o kaya'y na-badtrip sa kung ano mang kadahilanan.
Ang mga ito ay maaaring sumalamin sa pagiging masayahin ng mga Pinoy sa kabila ng mga problemang kinakaharap (txt jokes), o pagiging mapagmahal (txt love) at maalalahanin (txt friend, txt greetings, txt quotes, txtcetra) sa pamilya, kaibigan, o sa kaya’y sa sinisinta.
Siguro naman, kung mabasa ninyo na ito at ipabasa din sa iba, hindi na ito ikagugulat. Kung nais niyo namang gawin itong reperensya o archive na mapagkukunan ng mga text message na muling maipapasa, kayo na ang bahala, labas na ako sa usapang iyon at hindi ako promoter ng mga ito at sponsoran ang sinoman sa kanyang e-load.
Kung nais naman ninyong kumuha ng mga sipi sa anomang partikular na text message o kaya kopyahin ito ng buo mula dito sa aking blog, ay magagawa ninyo ito ng may kalayaan. Pero mas maiging ilagay na lamang ninyo ang mga orihinal na links mula dito kung saan ninyo nakuhang pahina. Ito'y bilang kortesiya sa mas malayang pakikipagpalitan ng impormasyon.
O sya, sapat na siguro yun para sa pormalidad. Banat na!
(Part 2) karugtong …
DISCLAIMER
Ang bawat text message na ito ay walang kaugnayan sa personal kong pananaw at pag-uugali. Ang koleksyong ito ay mahigit 1,000 mga text message at maaaring ilan dito ay naglalaman ng mga pananalitang hindi angkop sa inyong panlasa.
Hindi ibig sabihing ito ay angkop naman sa akin, at hindi po ako ang kumatha ng mga ito. Ito ay pawang kathang Pinoy na natanggap mo na rin sa message inbox ng iyong mobile phone na maaaring natuwa ka ring i-forward sa iba o kaya'y na-badtrip sa kung ano mang kadahilanan.
Ang mga ito ay maaaring sumalamin sa pagiging masayahin ng mga Pinoy sa kabila ng mga problemang kinakaharap (txt jokes), o pagiging mapagmahal (txt love) at maalalahanin (txt friend, txt greetings, txt quotes, txtcetra) sa pamilya, kaibigan, o sa kaya’y sa sinisinta.
Siguro naman, kung mabasa ninyo na ito at ipabasa din sa iba, hindi na ito ikagugulat. Kung nais niyo namang gawin itong reperensya o archive na mapagkukunan ng mga text message na muling maipapasa, kayo na ang bahala, labas na ako sa usapang iyon at hindi ako promoter ng mga ito at sponsoran ang sinoman sa kanyang e-load.
Kung nais naman ninyong kumuha ng mga sipi sa anomang partikular na text message o kaya kopyahin ito ng buo mula dito sa aking blog, ay magagawa ninyo ito ng may kalayaan. Pero mas maiging ilagay na lamang ninyo ang mga orihinal na links mula dito kung saan ninyo nakuhang pahina. Ito'y bilang kortesiya sa mas malayang pakikipagpalitan ng impormasyon.
O sya, sapat na siguro yun para sa pormalidad. Banat na!
1000+ POPULAR PINOY TEXT MESSAGES
TXT JOKES
Maraming mga pauso ngayon ang mga tao. Eh pahuhuli ba naman ang mga Pinoy na lagi yatang sabik na magkaroon ng pagkilala ng ibang bansa?
Ang sabi ko po ay "yata", at hindi ko naman nilalahat. Iba-iba kasi ang personalidad ng tao at kanya-kanyang hilig. Pero ang nakakatuwa lang makita ay ang pagiging eksperto ng mga Pinoy sa pagsunod ng mga anomang ipauso ng mundo. Alam kong "Proud to be Pinoy" ang motto ng nakararami, at ipinagyayabang ang kahusayan natin sa panggagaya o yung pag "mimic".
Syempre, iba na yung sikat di ba? Kung magaling silang mga banyaga at mga talentado sa kung ano mang larangan na tinitingala ng mundo, ang simpleng gagawin lang ng mga Pinoy ay gayahin yun … & voila! .. instant celebrity na at may kumikislap pa! (yahung-yahoo! .. este google pala, para mas sikat)
Ang dami na nating rekord. Madami na rin tayong eksenang sumikat gaya din ng ibang bansa. Kahit nga anong balita na umugong na may kaugnayan sa salitang "Pinoy achievement", bentang benta na. Kesyo ano pa yan, o tungkol saan, o kung sino man yan — basta may dugong Pinoy, ipagmamalaki natin ang atin mga kababayan. Isang daang porsyento man sya na Filipino o half-blooded, o kahit pa yata nasalinan lang ng ilang patak ng dugong pinoy ang isang dayuhang may angking galing at sikat, eh proud pa rin tayo.
Pero teka, maganda bang balita ito o masama? Kung yung huli ang sagot, eh ano namang masama? Hindi ako awtoridad para magsalita at manguna sa opinyon mo o ng kahit sino pang makakabasa nito. Basta ako, nagtatanong lang. Pero dahil blog ko to, at ako ang nag post nito, ang pwede mo sigurong gawin ay ibahagi na lang din ang iyong komento o saloobin.
Ok sige, tama na muna yun para sa paunang salita. Pinoy din naman ako, gaya mo. At ang nais ko lang ibahagi ngayon ang World Record ng "Pinoy Texters" na hanggang ngayon ay usong-uso pa rin.
Huh? hindi mo alam yun? Kahit nga walang cellphone na Pinoy na nasa hustong edad at katinuan, alam yata yun eh. Kahi walang cellphone o load, kaya namang makisuyong maki-text eh!
Noong taong 2000, ang Pilipinas ay ang "Text Messaging Capital of the World" na may daily average na 300 million text messages na ipinapadala, kahit aling networks pa yan. (Ewan ko na lang ang average ngayong 2007, nde ko pa na-research ang mga naging pagbabago dyan.)
Eh ilang milyon na ba ang populasyon natin, pwera muna ung mga nasa labas ng Pilipinas? Ano kayang repleksyon ang ipinapakita natin sa mundo, na ang mga Pinoy ay puro text na lang ang inatupag? o dahil matitipid ang Pinoy na gumasta para sa nakalinyang cellphone na mas madali kung ang CALL, kesa TEXT?
In the first place, ang layon ng SMS o Short Messaging System ay para sa maigsi at mabilisang pagpapadala ng mensahe na kung ikaw ang tatanggap ay inaasahan mong importante ito o mahalaga? Pero bakit nabaligtad na yata? Mas napupuno ang message inbox mo ng "pasaway quotes" at mga patawa, na sa kadalasan ay dumarating sa mga pagkakataong hindi mo inaasahan.
Gaya na lang sa mga oras at lugar na: (1) nasa classroom ka at exam pa, (2) nasa kasalukuyang meeting ka sa opisina, (3) nasa stage ka o isang speaker ng pagtitipon, (4) nasa simbahan ka o kapilya, (5) nasa gitna ka na ng panaginip mo at biglang nag "gudpm" pa!, (6) o kaya ay paggising mo sa umaga na nagmamadaling maligo, o naiiihi ka na, o kaya'y nangingilabot na at natatae ka na, tapos biglang vibrate + ringtone yung phone mo sabay sabing "gandang umaga"!
Hindi ko ito mga personal na karanasan, pero alam kong may nakaranas na ng ganyan.
Meron pa nga yatang lungkot na lungkot dahil walang nagtetext sa kanya dahil tamad syang magreply o walang load. O kaya'y hindi umubra ang pag-iyak para bigyan ng cellphone courtesy of Nanay & Tatay.
"haler, ano bang chuvaness i2, nkk-mbyerna!?"
O di ba, na adopt na natin, ang mga salitang gamit sa text messages pati paraan ng pag spell nito. Pati nga ang tatay kong malapit ng mag 60 yrs old, eh ganyan mag-compose ng text at aminado akong mas madalas hirap akong umintinde ng mga ganung shortcuts na galit sa "a-e-i-o-u"! Kahit tunay na lalake, tunay na babae, o patagong baklita — sigurado akong alam ang mga bokabularyong "chuva", "haler", "mwah", etcetera, etc.
So, ano ngayon ang gusto kong mangyari? huh?
Wala lang.
Teka meron pala. Konti lang naman.
Ano kaya kung ganito: i-post ko na lang dito yung mga kadalasang text messages na nagpaikot-ikot sa kaka-forward at send to all contacts — Mga quotes, jokes, pa-sweet, pa-bibo, at mga pagbati at pagpaparamdam na may load pa sila o kaya nama'y naka-unlimited?
O sige nga. Try ko lang po mga magiging reaksyon at komento niyo. I-post ko na lang sa susunod.
We have taller buildings but shorter tempers;
Wider freeways, but narrower viewpoints;
We spend more, but have less;
We buy more, but enjoy it less;
We have bigger houses and smaller families;
More conveniences, yet less time;
We have more degrees but less sense;
More knowledge but less judgment;
More experts, yet more problems;
We have more gadgets but less satisfaction;
More medicine, but less wellness;
We take more vitamins but see fewer results.We drink too much;
Smoke too much;
Spend too recklessly;
Laugh too little;
Drive too fast;
Get too angry quickly;
Stay up too late;
Get up too tired;
Read too seldom;
Watch TV too much,
And pray too seldom.We have multiplied our possessions,
But reduced our values;
We fly in faster planes to arrive there quicker,
To do less and return sooner;
We sign more contracts only to realize fewer profits;
We talk too much;
Love too seldom;
And lie too often.We've learned how to make a living, but not a life;
We've added years to life, not life to years.
We've been all the way to the moon and back,
But have trouble crossing the street to meet the new neighbor.
We’ve conquered outer space, but not inner space;
We've done larger things, but not better things;
We've cleaned up the air, but polluted the soul;
We've split the atom, but not our prejudice;
We write more, but learn less;
We plan more, but accomplish less;We make faster planes, but longer lines;
We've learned to rush, but not to wait;
We have more weapons but less peace;
Higher incomes, but lower morals;
More parties, but less fun;
More food, but less appeasement;
More acquaintances, but fewer friends;
More effort, but less success.We build more computers to hold more information,
To produce more copies than ever,
But have less communication;
Drive smaller cars that have bigger problems;
Build larger factories that produces less.
We’ve become long on quantity, but short on quality.These are the times of …
Fast foods and slow digestion;
Tall men, but short character;
Steep in profits, but shallow relationships.These are the times of …
World peace, but domestic warfare;
More leisure and less fun;
Higher postage, but slower mail;
More kinds of foods, but less nutrition.These are the days of …
Two incomes, but more divorces;
Fancier houses, but broken homes.These are days of …
Quick trips, disposable diapers,
Cartridge living, throw-away morality,
One-night stands, overweight bodies,
And pills that do everything from cheer,
To prevent,
To quiet, or
To kill.It is a time when …
There is much in the show window
And nothing in the stockroom.Indeed, these are the times!
This widely-circulated essay, also known under the title “The Paradox of Time”, over the Internet from 1999 and may still come into your mailboxes, was allegedly written by a guy named George Carlin, a Columbine High School student, but proved to be false.
The true author of this piece is credited to Dr. Bob Moorehead, a former pastor of Seattle’s Overlake Christian Church.
Many felt moved upon taking inspiration from this “Paradox”. They’ve blogged and forwarded this to as many people in their emails or even in community forums.
It’s the same thing I’m doing now, but on a different intent.
Those “many” didn’t know that during Bob Morehead’s tenure as a pastor, there were seventeen (17) members of his congregation reported that he has sexually assaulted them. And for this reason, he prompted his resignation in 1998. Even the church elders withdrew their support to the pastor, after having their own investigation in these allegation charges. They’ve concluded that Morehead had indeed been guilty of molesting a number of male youth.
Although, you may want to sympathize and like this essay summarizing problems of modern society into a compact list of “what’s gone wrong” while presenting possible solutions by his way of juxtaposition. I don't exactly feel that way.
The real paradox that I see here is this:
People say NO to something,
but their actions show YES;People say that's bad, DON'T DO THAT,
but transgressing what they forbid;So my conclusion is this:
Conviction is more than talk.
Our actions and intentions
should continually work in harmony,
until our very last breath.
Paradox and irony becomes a popular style in rants of bloggers. I see many of these are not good in pairing a "negative—positive" comparative views in their writing, especially they’re not native English speakers, but I still think it’s a nice start.
Actually, I dropped my previous blogs (in English) and now think that I should communicate in my blog posts in Tagalog, where I can compose my thoughts and feelings in a more comfortable language I am used to speak. My mind speaks as i convert it into writings, and I sometimes get loss of the precise word I want to use to convey to my readers effectively. But I guess it can’t be helped to use this “international language” sometimes, when the situation calls for it.
And all contents I posted over the internet is now for public viewing.
At least, those visitors accustomed to English language will not feel estranged in my humble web space.
[paused ….. whew … nag-ingles na naman oh]
Pero mas sanay pa rin ako sa Tagalog. At dahil nasa i.Ph na ako ngayon, ayokong mawala ang tatak pinoy ng blogs ko, at agad makiuso sa mga nag-iinglisang “John dela Cruise” sa blogosphere, kahit medyo nabubulol lang na gaya ko, hehe.
*******
QUICK TRIVIA:
Caranijuan's new blog is here.
Now shining at i.Ph
and i.Ph is the SHORTEST web address!
(uy! World Record na naman 'to)
200 SAINTS WEEDED OUT, VATICAN SAYS
Manila Times, May 14, 1969VATICAN CITY, May 13 – (Reuter) – The Vatican today denies that it had stripped any saints of their halos and said Roman Catholics could go on venerating even those who never existed.
The Vatican Weekly, Osservatore Dell Domenica, published a long article today seeking to calm public perplexity and indignation at the news that over 200 saints had been dropped from the calendar and many others declared optional.
MANY UPSET
Many Roman Catholics had been particularly upset at the disappearance of St. Christopher, protector of travelers, St. George, patron of Boy Scouts and England and St. Barbara, defender of artillery and Italian traffic wardens.
They were among the 200 or so weeded out, in many cases because their history or even existence was in doubt.
Considerable local indignation also arose over the apparent downgrading of saints from universal and obligatory to optional and local veneration.
SANTA IS OUT
Among those were St. Nicholas (Santa Claus) and St. Valentine, patron saint of lovers.
Neapolitans out graded at seeing their beloved San Gennaro (St. Januarius) demoted to optional was soothed somewhat when his blood liquefied in its precious phial on Schedaley yesterday.
They took the repetition as a sign that the saint did not mind.
The Ossevatore Della Domenica gave the reassurance “the church has not stripped the halo from any of its saints.”
It explained that the faithful prayed to saints to intercede with God on their behalf “and if a saints really never existed, God would still see the faith of him who prays and listen to his supplication.”
“This also went for patron saints”, it added. “Thus scouts will continue to honor St. George, motorists can still turn to St. Christopher and artillery men to St. Barbara.”
Heto yung original news article ng Manila Times sa pahayag ng Roman Catholic Church sa pag-aalis ng 200 saints, kasama na dun si St. Valentine at Sta. Claus. At bagaman sinasabi nila sa bandang hulihan na pwede pa rin namang tumawag at manalangin sa mga patron saints na ito kahit hindi totoo ang kanilang pag-iral dahil maririnig pa rin naman daw ng Dios ang mga panalangin ng mananampalataya.
Hmm, eh bakit pa nila kaya kailangan alisin yung mga scrupulous names ng mga santo, kung ok lang din naman palang sambahin uli at dalanginan?
Hindi ko alam kung paanong lokohan ang gustong ipahiwatig nito.
Di ba, mas ok na malaman mong ang mga regalong natatanggap mo ay galing sa mga magulang mo at hindi kay Santa Claus, na lalakeng santa, na matanda pa sa mga lolo natin mula ng maimbento ito?
Mas ok ding malaman na kaya ka nagmamahal sa isang tao ay hindi dahil tinamaan ka ng sibat ng pana ng mga kupidong nakahubo, di ba? At kung mahalin ka rin niya, edi swerte mo!
Dahil ang pag-ibig, hindi kailangan ng pana. At hindi si Valentino o kahit sinong kupido ang pinagmulan nito. Dahil absolutely, it is God! “GOD IS LOVE” — not St. Valentine, ok.
At ang tunay na kahulugan ng pag-ibig na mula sa Dios ay ito:
1st Corinthians Chapter 13
1 Juan 4:8 — “Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagkat ang Dios ay pag-ibig.”
1 Juan 4:19 — “Tayo’y nagsisiibig, sapagkat siya’y unang umibig sa atin.”
RP breaks world record: 6,124 kissing couples
Event: Close Up Lovapalooza (2007) Season 4
Venue: Open lot of the SM Mall of Asia in Manila
Date: Saturday, 10-Feb-2007 6:00 pm
"In the first ever Lovapalooza in 2004, Manila broke the former record by fielding in the most number of kissing couples. The following year, Hungary broke the record of the Philippines with only a few couples" — Philippine Entertainment Portal (PEP)
"We broke the record, it's great" — Howard Belton
"Waah, wala akong partner!" — Popoy
Ang Lovapalooza ay isang taunang event para sa mga magsing-irog bilang pagdiriwang din ng mga pinoy sa Araw ng mga Puso o Valentine's Day (Feb. 14). At sa taong ito, muling nakuha ng Pilipinas ang Guiness World Record sa pinakamaraming pares ng mga lumahok para maghalikan (6,124) sa nakaraang taon na rekord ng Hungary (5,875).
Bagaman hindi ako talaga interesado sa mga ganitong halikang pang-madla, pero dahil ito ay naitala sa pagkilala ng mundo, ok na ring i-blog ito.
Wala ako dun nung sabado at may mas mahalaga akong dinaluhang pagtitipon, kesa makipagtukaan. Pero i-kwento ko na lang ang eksena ni pareng Popoy, na pumunta doon kahit walang partner. Heto ang istorya:
Popoy: Hi miss beautiful, may partner ka na ba?
Eh biglang dumating ang boyfriend nito
Boy: Anong problema mo, ha?
Popoy: Ah .. eh, (hehe) love and peace, pare. Cool ka lang. Gusto ko lang kasing halikan yang GF mo …
Boy: Gago ka ba?
Popoy: teka, teka muna … pero pupusta ako ng 100 pesos, mahahalikan ko sya ng hindi gagamitin ang labi ko.
Girl: Oh, really? Sige ba.
At biglang hinalikan sa lips yung babae, habang nakatulala ang nanonood na boyfriend, sabay sabi,
Popoy: “Talo ako, sayo na ‘tong 100 pesos”
Maloko man si Popoy, eh ganun lang talaga eh. Sabi nga nila “may manloloko at may naloloko" at minsan, merong ding "nagpapaloko”.
Pero kung ikaw yung babae, at alam mo lang, hindi ka maloloko di ba?
Parang ‘yang pagdiriwang din ng Valentine’s Day. Alam mo bang hindi totoo si Saint Valentine bilang patron saint ng mga nagmamahalan, kagaya lang din ni Santa Claus na pambatang panloloko?
THE CATHOLIC CHURCH NO LONGER OFFICIALLY HONORS ST. VALENTINE
Saint Valentine or Saint Valentinus refers to one or more martyred saints of ancient Rome. The feast of Saint Valentine was formerly celebrated on February 14 by the Roman Catholic Church until the revised calendar 1969.
According to the Catholic Encyclopedia, the saint whose feast was celebrated on the day now known as St. Valentine's Day was possibly one of three martyred men named Valentinus who lived in the late third century, during the reign of Emperor Claudius II:
* a priest in Rome
* a bishop of Interamna (modern Terni)
* a martyr in the Roman province of Africa.
Many of the current legends that characterize Saint Valentine were invented.
The saint's feast day was removed from the Church calendar in 1969 as part of a broader effort to remove saints viewed by some as being of purely legendary origin.
References:
HowStuffWorks: Valentine's Day
American Catholic.org: The Origins of St. Valentine’s Day
Eh bakit ko sinasabi ito? Galit ba ako sa mundo ng mga nagmamahalan? O hindi lang kasi close up ang toothpaste ko? Hindi ah.
Sinasabi ko ito para alam mo, at para wag ka nang maloko pa. At para mag-ingat na rin ang iba na makakabasa pa nito. At ngayong alam mo na, nasa sa’yo na ang desisyon. Tandaan: “may manloloko, may naloloko, at may nagpapaloko” — ikaw na ang bahala kung gusto mong masali dyan.
Basta kung ako ang pipili — "none of the above".
Strong emotions maybe deceiving, unless we think about it.
Jeremias 17:9 — "Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?"

[Korea Times] South Korean Actress Dead in Suspected Suicide
[Yonhap News] Actress Jeong Da-bin found dead in suspected suicide
"Isang koreanang aktres, PATAY!"
SEOUL, Feb. 10 — South Korean actress Jeong Da-bin, 27, was found dead early Saturday in what seems to have been a suicide due to depression, according to police and her acquaintances.
…
Observers say Jeong seems to have been suffering from depression, citing comments she posted recently on her personal blog.
A message she posted on Friday, titled "Finished," said, "I'm complicated and I feel like I'm going to die…I have lost my identity."
…
Alam kong kasalukuyang nahuhumaling ang mga manonood na pinoy sa mga Korean TV drama o telenovela. At maging ang mga dekalidad na pelikula nila ay tinatangkilik ng maraming bansa at patok din sa panlasang pinoy.
Pero nakakagulat lang na mabalitaan ang isa na namang pagkamatay ng aktres sa South Korea. Bakit kamo? Kasi, pangatlo na kasi ito, eh!



Kung maaalala mo, si Jeong Da-bin ay 'yung bidang babae sa romantic comedy na teleserye na Attic Cat. Meron din syang movie na "He Was Cool".
Nalaman ko rin na last 21-Jan-2007, may nauna na palang nagbigti na isang actress & pop singer idol, named U-nee (Yuni) sa edad na 25. Although, hindi ko kilala tong singer na 'to, pero nakakapagtakang ganito kataas ang suicidal incidents sa mga South Korean actress.
Ang isa pang aktres na si Lee Eun-ju, edad 25, isa sa main cast ng box office hit movie na "Taegukgi", (istorya tungkol naman sa gyera ng North & South Korea) ay nagpakamatay din noong 22-Feb-2005!
Hindi ko talaga maintindihan ang dahilan ng sinomang tao, sikat at kilalang tao man, o isang ordinaryo tao, gaano man kahirap ang buhay at problemang dala-dala para magpakamatay. Sa lohikal na pananaw, paano maiisip ng sinoman na umeksena na agad sa mundo ng mga patay kung kelan nila gugustuhin? Dahil ba over populated na ang mundo kaya kelangan na magbawas at gusto lang nila mag-volunteer na mauna na? Hindi ba nila alam na over crowded na rin sa mga sementeryo at meron pa ngang nagsisiksikan na sa isang kwadradong nitso?
At dahil ba sa mga ganitong balita, ikaw na hindi naman artista o sikat na tao ay makikiuso na naman uli? Badtrip talaga yan o! Masyado na ngang magulo ang mundo, at marami nang nakikigulo, bakit mo naman natin hahayaang guluhin nila ang isip mo at isip ko? Kung gusto nila, edi sila na lang.
Ang sarap sarap kaya mabuhay — masarap kumain, masarap matulog, masarap maglaro, masarap maglakbay, masarap tumawa, masarap mag-syota, atbp — kanya-kanyang trip at hilig sa buhay para mag-enjoy ka sa sandaling ilalagi mo sa mundo, pagkatapos nun may afterlife pang kasunod, depende na yun kung saan ka maidedestino. Pero, ang sadyang paglabag sa Dios gaya ng pagkitil sa sariling buhay ay isa sa mga kasalanang ika-iimpyerno! Dahil hindi naman tayo ang may-ari ng buhay, kaya hindi rin tayo ang dapat bumawi nito.
Deuteronomio 32:39 — "Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako ang pumapatay, at ako ang bumubuhay; Ako ang sumusugat, at ako ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay."
Ah basta! Sana lahat ay magkaroon ng takot sa Dios na Makapangyarihan sa lahat!
Ikaw, ano gusto mo? Kung gusto mong maging katatawanan ang buhay mo, este ang kamatayan mo, bahala kang managot sa Dios!
Bahala ka, ikaw din. Pag namatay ka na, hindi mo na mababalitaan ang news sa'yo kinabukasan.
"Tindera ng patis, tinoyo! Umakyat sa billboard at nagpakamatay!"
"Isang lalakeng namatayan ng aso, nagpakamatay!" — [Buloy, song from Parokya ni Edgar]
Kaya mag-isip-isip ka muna, at pag desidido ka ng magpakamatay, maaari mong basahin muna ang mga sumusunod na Suicide Tips. Pero pagkatapos mong matawa, agad mo sanang maisip na huwag nang ituloy ang katangahang ganyan, ok.
SUICIDE TIPS
Ito ay isang caranijuang blog. Gawa ng isang caranijuang blogger.
Kagaya lang ako ng iba na dating gago, dating tarantado, at dating sira din ang ulo. Nakikisabay sa kung anong ipauso ng mga kagaya ko, at nagpapatangay sa agos ng magulong mundong ito. Kahit na pare-pareho naming hindi alam kung saan patungo ang aming mga buhay. Ginaya ko lang naman sila, ah. Ginaya lang naman natin sila, di ba? Mga sali't saling sabi ng mga matatanda na dinatnan na lang natin dito. Mga kasabihang huhubog daw sa ating pagka-tao, huhubog sa ating pagka-Pilipino, at sa kung ano-ano. Marami nang nagsabi at nagpayo, mga tradisyong ipinamana, mga itinuro sa iskwela, mga palabas sa tv at pelikula, mga kasa-kasama sa trabaho at pamilya, mga kwentong barbero, kwentong kuchero, pati pa kwento ng lasinggero, at ni Lolo Tasyo na tambay sa kanto! — Bawat isa ay may sinasabing kapupulutan daw ng aral tungkol sa buhay — lahat ng ito ay nagkaroon ng epekto sa kung ano tayo ngayon, sa kung ano din ako ngayon.
Kinse anyos pa lang ako noon. Ngayon ay beinte-tres na ako. Bata pa rin, kumpara sa mga lolo nating tinubuan na ng bermuda grass sa batok. Pero marami pa rin akong gusto magawa at matutunan. Lalo pa't panahon ngayon ng pag-unlad ng kaalaman sa siyensya at teknolohiya. Heto na nga ako at nag-iinternet pa!
Pero ang nakalulungkot lang isipin at makita ay marami ang tumanda na at tumatanda pa ngunit paurong yata. Nagsasayang ng kanilang mga buhay hanggang sa datnan na sila ng kamatayan. Nasaan na ba ang mga magpapayo? Nasaan na ang mga pala-kwento? Nasaan na ang mga pilosopo? Nasaan na ang mga pabibo? Ganito ba talaga ang gusto niyo? O gusto mong bago ka o sila ay tabunan ng lupa ay maisigaw mo sa kanilang, "Itigil niyo na kasi yan!"?
Kaso mahirap yun, di ba? Mahirap gisingin ang taong nagtutulug-tulugan. Mahirap sumigaw sa bingi. At lalong mahirap kung mahiyain ka na at boses ipis pa. Ni wala ka ngang pagkakataong magsalita sa mikroponong madidinig ng lahat, sa buong luneta, o sa buong araneta, o sa buong istasyon ng radyo at tv dahil hindi ka naman artista — bakit, sino ka ba?
Ako? Sino din ba ako? Wag mo na lang alamin. Ang mahalaga, yung importante. Anong paki nila? Eh, may internet naman, at libre ka pang magsalita. Kaya tumabi-tabi muna ang mga kontrabida, dahil sa blog, tayo ang bida!
Kahit hindi tayo magkakakilala sa mukha at kahit sa pangalan man, basta magsusulat ako at mababasa mo, ayus na yun. Dahil dito, ako naman ang magkukwento. Ok ba yun? Tapos ikwento mo rin sa iba at ipabasa para mas masaya. Magalit ka man o matuwa, may angal man o wala, basta umimik ka at huwag laging nakatunganga! Sabihin mo lang ang iyong mga komento, at ako na ang bahala sa 'yo.
Libre ang bawat pindot dito, walang bayad!
Pagkatapos mong mabasa ito at maipabasa sa iba, sana ay may natutunan ka, … tayo, … pati sila!
Kaya magalit ka man o matuwa, basta lagi mo lang tatandaan ….. "ang importante ay mahalaga", ok.