http://sinag.i.ph

SINAG + AKO (i) + PINOY (ph) = SINAGIPH — (Tagalog) "Sa madilim na mundo ako ay tinawag — Sinag ng katotohanan ang sa aki'y nagligtas — Bayang hinirang sa dakong silanganan — Laging magpasalamat sa DIOS Amang wagas" — (English) "In earth’s abounding darkness, I was called — The unfathomable brightness of truth, saved me —
Chosen nation in the far east region — Giving thanks & praises, to God forevermore"

Para sa mga REKLAMADOR na PINOY

May 24, 2007

Natanggap ko ito mula sa forwarded emails. Tapos hinanap ko sa web kung sino ang awtor. At napadpad ako sa blogspot ni Political Pinoy. Hindi ako makapaglagay ng aking komento sa kanyang blog kaya hindi ko makumpirma kung siya nga ba ang awtor nito. Pero dahil para naman siguro ito sa ikamumulat ng lahat ng reklamador na pinoy, kaya heto at kinopya ko na.



Sabi MO, ang gobyerno natin ay palpak.

Sabi MO, ang mga batas natin ay sinauna.

Sabi MO, ang lokal na pamahalaan natin ay hindi maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.

Sabi MO, hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.

Sabi MO, parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.

Sabi Mo, sabi MO, sabi MO.

E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?

Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore.
Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO.
Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO.
Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo.

Sa Singapore, Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye.
Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass.
Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi.
Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant.

Sa Singapore, wala KAng sinasabi, meron ba?

Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai.

Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Jeddah.

Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.

Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?"

Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo?

Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?

Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.

IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.

IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.

Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa
Pilipinas?

Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye.
Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?"

Sa America, bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan.

Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.

Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad.
Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.

Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.

Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.

Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo.

Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.

Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?"

E sino ang magbabago ng sistema?

Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAW at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid na mga himala.

O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema. Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong Pilipino.

Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya. Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni John F. Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino:

"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad ng Amerika at ibang kanlurang bansa ngayon."

Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin.

Ipasa sa lahat ng Pinoy.

Posted by sinag at 4:11 pm | permalink

Previous Comments

alam mo ba naisip ko rin tong mga to nung ako ay nasa dubai. lalo na nung ramadan na isang buwang di ako kumakain ng lunch sa tamang oras dahil hihintayin ko muna uwian ng alas 3 at sa bahay kumain. kahit pag inom ng tubig ay di ko magawang gawin sa harapin ng mga arabo kong kaopisina at pumuputan pang toilet para magtago at uminom. napansin ko bakit ang mga pilipino at ako mismo ay marunong namang sumunod sa batas sa ibang bansa. bakit nga ba ganun? simula nung ako ay bumalik dito sa pilipinas, sinubukan ko ring wag magtapon ng upos ng sigarilyo pero habang lumipas ang panahon, akoy bumalik sa dating gawi. sabi ko nga sa mga discusyon namin ng aking mga kaibigan, ang bulok na systema ng lipunan ay hindi lang gawa ng gobyerno at ng mga namamahala. ito’y lubos na nananaig din sa bawat isa sa atin ng patuloy na gumagawa ng mga bulok na gawain. tunay na ito’y isang mulat para sa ating lahat.

hooo ang hirap pala magsulat sa tagalog. sana bisaya na lang. kapayapaan at higit na magandang pamumuhay para sa ating bansa!

Posted by larrybored at May 25, 2007, 9:43 am

para pahintulutan ang komento na ito, kailangan kong i type yung keyword provided na “youth”. dahil dito, naisip ko ang pambansang bayani…..
sabi ni J.Rizal, nasa kabataan ang pag asa ng bayan.
at biglaan ko ring naisip na sa kabila ng lahat ay may responsibilidad sa responsableng pagbabago, nasa kabataan ang malaking parte ng paggawa.
maaaring sabihin ng matatanda, “been there, done that”.
sana ang kabataan, wag maging kaisipan nila o rason na, “bakit kayong matatanda ganito ang ginawa ninyo, eh di kami rin”.
sana ang maging “focus” nila ay sa linya na….”ano ba ang dapat, ano ba ang mabuting gawin”.
don sa opisina namin, pag mauubos na yung 1gallon na tubig sa water dispenser, madalang na ang kumukuha ng tubig. sa tingin ko sa dahilan na baka sila ang matapatan na ubos na ang tubig at sila ang kailangang magkarga o magpalit ng panibagong 1gallon na tubig.
di naman sa pagbubuhat ng sariling bangko, natutuwa ang kalooban ko kapag ako ang magpapalit ng panibagong 1 gallon container para sa water dispenser.
sa ganitong pagkakataon, ipinakikita ko, ano ba ang dapat, ano ba ang mabuti. isang simpleng pagkakataong ipinakikita ang paggawang may pag ibig.
ang pagkakaroon ng karapatang tawaging Christian.
salamat sa paglkakataon.
sa araw araw ng pag unlad ng kaalaman.
kailan lang may nag sabi nga…..”the one fear left in me, is the fear of the LORD
….and never will i intend to loose it”
mga puntong magpapatibay sa atin na maging “asin ng sanlibutan”

Posted by butzyzk at May 26, 2007, 9:58 am

nyaah. i’m guilty poh.

Posted by emily at May 28, 2007, 9:08 am

isa ako sa mga reklamador na Pinoy and Im proud of it! Nagrereklamo ako para sa mga nangyayari sa bayan. Pero, hindi sa pagyayabang, di gaya ng iba, kumikilos ako para sa ikababago ng bulok na sistemang meron tayo. Naniniwala ako sa kahulugan ng mga salitang ito: “Do it before you complain.”

Posted by fjordz at June 11, 2007, 1:51 pm

hehehehe, aminin natin n inde tayu nag papahalaga sa ating kasaysayan TAMA.

sa kweto mo tsong sana simila ngayun kahit sa sarili nating paraan gawin nating ang tunay na matinong gawain

Posted by diegooos at July 29, 2007, 9:20 pm

sa mga nangyayari sa Pinas ngayon at sa mga pang-aapi, proud pa din kaya ang mga Pinoy sa pagka-Pinoy nila? Gusto mo pa ba maging Pinoy? Tanong lang :-D

Posted by Indignus Vernula at October 26, 2007, 12:33 pm

mahirap ding maintindihan na kung bakit kung sino pa yung mga disente at may pinag-aralan sila pa ang nangunguna sa pambababoy at pambabastos sa ating bayan.
minsan sa isang parking lot, pinuna ko ang maling pagpwesto ng isang magarang sasakyan na pumarada sa mismong rampa para sa may mga kapansanan. ang buong akala ko ay hindi niya nakita o naintindihan ang ibig sabihin ng malaking simbolong nakaukit sa rampa. pagbaba ng may-ari ng sasakyan, napahanga pa ako sa matikas niyang tindig at maayos na pananamit, agad kong itinuro ang simbolo sabay sabing “hindi po kayo dapat pumarada diyan.” Sa kanyang tugon na tila nakakatuya ito ang sabi niya: “hayaan mo na, nasa Pilipinas naman!” sabay talikod at alis. Sa aking palagay ang matandang lalaki na iyon ay may pinag-aralan at malamang ay nakatapak na sa ibang bansa kaya may pagkukumpara siya sa sistema dito at sa kung saan mang bansa siya nakarating na.
Tama ka sa iyong tanong: Kung marunong tayong gumalang at sumunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa bakit hindi tayo makasunod sa sarili nating lugar bagkus tayo pa ang nangunguna sa pagwarak ng ating dignidad bilang mga Pilipino..

Posted by voletzki at May 27, 2009, 1:52 am

nabasa ko yong mga isinulat nyo….ahhhh..parang wala akong masabi..isa lang. hindi ang matataas na tao dpat sisihin sa puopulasyon ng pinas. kong di ang mga local.. yun nga ang kasabihan.. sa mga banyagang bansa ang aso pinapasyal sa labas peru pag dumumi ang asong iyon sa kalsada lilinisin ng may ari ng aso ang kanyang dumi..yun ang may good moral na sinasabi..sa atin walang good moral..kaya inis ako…thanks

Posted by claud jekaangel at September 13, 2009, 5:21 pm

Add a comment








The Author

Message Board

miguel:

good work. i’ll subscribe to your posts. you might want to view anime? http://anime143.tk

clyde:

nice blog. you might be interested in free classifieds. http://cotabato.tk

manny:

New Manny Pacquiao Site http://mannypacquiao.isgreat.org

POUNDFORPOUNDKING:

share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

stephanie joy:

how i wish i can see akeelah and dilan in person

angel dhyn:

hindi ko alam kung pano ko kayo i add sa blog site ko..

angel dhyn:

hindi ko alam kung pano ko kayo i add sa blog site ko…

edmund:

eh marunong ka po ba mag hack ng website? ung i shushutdown mo ung server ng site?

bianca:

Hi! blog walking!

dude:

wow cool!

Aian:

hi there. Napdaan sa blog mo. I’ll link u po if okay lang.

asunsun:

Weekend vi$it from China, please vi$it back

asunsun:

Monday vi$it from China, please vi$it back

asunsun:

Evening vi$it from China, please vi$it back

Job hiring:

thnks

asd:

09052507824

Capiz Bloggers:

Nice Blog sinag!

rob:

Christmas blog hop!Greetings for you:
http://robology.i.ph/blogs/robology/2008/12/25/happy-holidays/

simon:

am lukin for a txtm8.. here’s my numbr: 0906-588-9808

Alexandra:

This is a Filipino site right? Looking for anyone who knows Ricah Gran from Surigao. I think she went to Jacinto P. Elpa NHS (class of 2003). This is a public health service for anyone who knows her. It turns out that she has TB. Yuck! So, watch out when talking to her. She might be contagious. She’s keeping it a secret but god knows how many people she can contaminate with the disease.

Leave a message ▼

Bible Guide

Interesting Links

Visitors