http://sinag.i.ph

SINAG + AKO (i) + PINOY (ph) = SINAGIPH — (Tagalog) "Sa madilim na mundo ako ay tinawag — Sinag ng katotohanan ang sa aki'y nagligtas — Bayang hinirang sa dakong silanganan — Laging magpasalamat sa DIOS Amang wagas" — (English) "In earth’s abounding darkness, I was called — The unfathomable brightness of truth, saved me —
Chosen nation in the far east region — Giving thanks & praises, to God forevermore"

Balitang Suicide

February 11, 2007

Add to any service

 


[Korea Times] South Korean Actress Dead in Suspected Suicide
[Yonhap News]
Actress Jeong Da-bin found dead in suspected suicide

"Isang koreanang aktres, PATAY!"

SEOUL, Feb. 10 — South Korean actress Jeong Da-bin, 27, was found dead early Saturday in what seems to have been a suicide due to depression, according to police and her acquaintances.

Observers say Jeong seems to have been suffering from depression, citing comments she posted recently on her personal blog.

A message she posted on Friday, titled "Finished," said, "I'm complicated and I feel like I'm going to die…I have lost my identity."

… 

Alam kong kasalukuyang nahuhumaling ang mga manonood na pinoy sa mga Korean TV drama o telenovela. At maging ang mga dekalidad na pelikula nila ay tinatangkilik ng maraming bansa at patok din sa panlasang pinoy.

Pero nakakagulat lang na mabalitaan ang isa na namang pagkamatay ng aktres sa South Korea.  Bakit kamo? Kasi, pangatlo na kasi ito, eh!

  

Kung maaalala mo, si Jeong Da-bin ay 'yung bidang babae sa romantic comedy na teleserye na Attic Cat. Meron din syang movie na "He Was Cool".

Nalaman ko rin na last 21-Jan-2007, may nauna na palang nagbigti na isang actress & pop singer idol, named U-nee (Yuni) sa edad na 25. Although, hindi ko kilala tong singer na 'to, pero nakakapagtakang ganito kataas ang suicidal incidents sa mga South Korean actress.

Ang isa pang  aktres na si Lee Eun-ju, edad 25, isa sa main cast ng box office hit movie na "Taegukgi", (istorya tungkol naman sa gyera ng North & South Korea) ay nagpakamatay din noong 22-Feb-2005!

Hindi ko talaga maintindihan ang dahilan ng sinomang tao, sikat at kilalang tao man, o isang ordinaryo tao, gaano man kahirap ang buhay at problemang dala-dala para magpakamatay. Sa lohikal na pananaw, paano maiisip ng sinoman na umeksena na agad sa mundo ng mga patay kung kelan nila gugustuhin? Dahil ba over populated na ang mundo kaya kelangan na magbawas at gusto lang nila mag-volunteer na mauna na? Hindi ba nila alam na over crowded na rin sa mga sementeryo at meron pa ngang nagsisiksikan na sa isang kwadradong nitso?

At dahil ba sa mga ganitong balita, ikaw na hindi naman artista o sikat na tao ay makikiuso na naman uli? Badtrip talaga yan o! Masyado na ngang magulo ang mundo, at marami nang nakikigulo, bakit mo naman natin hahayaang guluhin nila ang isip mo at isip ko? Kung gusto nila, edi sila na lang.

Ang sarap sarap kaya mabuhay — masarap kumain, masarap matulog, masarap maglaro, masarap maglakbay, masarap tumawa, masarap mag-syota, atbp — kanya-kanyang trip at hilig sa buhay para mag-enjoy ka sa sandaling ilalagi mo sa mundo, pagkatapos nun may afterlife pang kasunod, depende na yun kung saan ka maidedestino. Pero, ang sadyang paglabag sa Dios gaya ng pagkitil sa sariling buhay ay isa sa mga kasalanang ika-iimpyerno! Dahil hindi naman tayo ang may-ari ng buhay, kaya hindi rin tayo ang dapat bumawi nito.

Deuteronomio 32:39"Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako ang pumapatay, at ako ang bumubuhay; Ako ang sumusugat, at ako ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay."

Ah basta! Sana lahat ay magkaroon ng takot sa Dios na Makapangyarihan sa lahat!

Ikaw, ano gusto mo? Kung gusto mong maging katatawanan ang buhay mo, este ang kamatayan mo, bahala kang managot sa Dios!

Bahala ka, ikaw din. Pag namatay ka na, hindi mo na mababalitaan ang news sa'yo kinabukasan.

     "Tindera ng patis, tinoyo! Umakyat sa billboard at nagpakamatay!" 

     "Isang lalakeng namatayan ng aso, nagpakamatay!"[Buloy, song from Parokya ni Edgar]

Kaya mag-isip-isip ka muna, at pag desidido ka ng magpakamatay, maaari mong basahin muna ang mga sumusunod na Suicide Tips. Pero pagkatapos mong matawa, agad mo sanang maisip na huwag nang ituloy ang katangahang ganyan, ok.

SUICIDE TIPS 

  • Bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan sa pagsu-suicide. Kung ang problema mo ay dahil lang naman sa wala kang pera o iniwan ka ng minamahal mo, hindi ka dapat magpakatiwakal. Ang mundo ay tambak ng mga tao na puwede mong mahalin, at ang pera naman ay puwede kitain, kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa.
  • Kung desidido ka sa gagawin mo at sa tingin mo ay meron kang tamang dahilan para gawin ito, ang susunod mong hakbang ay ang pagpili ng paraan ng pagpapakamatay. Ang mga popular na paraan ay ang pagbibigti, pag-inom ng lason, pagtalon sa riles ng tren, pagbaril sa ulo (o sa puso kung wala ka ng ulo at buhay ka pa rin), at paglaslas ng pulso. Ang mga jologs na paraan ay pagtalon sa mataas na gusali, pagpapasagasa sa EDSA, at pagpigil ng hininga. Tandan din na maari ka pang mabuhay pag nagkamali ka sa pagsasagawa ng mga nabanggit, kaya pumili lang ng isang hiyang sa'yo. Bukod dyan, marami rin sa mga paraan na ito ang makalat at nakakapangit! Dyahe naman kung pagtitinginan ng mga tao yung mukha mo sa ataul tapos mukha kang dehaydrated na langaw.
  • Sumulat ng suicide note. Eto ang exciting. Dito puwede mong sisihin lahat ng tao, at hindi sila makaka-angal. Sabihin mo na hindi mo talaga gustong tapusin ang iyong buhay, kaso lang badtrip ka sa kanilang lahat. Pero wag ding kalimutang humingi ng tawad sa bandang huli para mas cool pag ginawang pelikula ni Carlo J. Caparas ang buhay mo. At tandaan, importante ang suicide note para malaman ng mga tao na nagpakamatay ka nga at hindi na-murder. Sa ganitong paraan maiiwasan ng PNP ang pagkuha sa kalye ng kahit sinong tambay bilang suspect.
  • Pumili ng theme song. Banggitin ang iyong special request sa suicide note. Ipagbilin ng patugtugin ito sa prusisyon ng libing. Iwasan ang mga kanta ng Salbakutah, Sexbomb, at mga katulad nito. Dapat medyo mellow at meaningful … tulad ng kanta ng Parokya ni Edgar o kaya ng Shamrock. O kung tumalon ka sa bangin, swak na swak ang Narda ng Kamikaze.
  • Isulat ng maayos ang suicide note. Magpraktis pagandahin ang handwriting. Iwasang magbura. Gumamit ng ng scented stationery at #1 Mongol Pencil. Lagdaan. Huwag gumamit ng stickers, glitters o smilies. Ilagay ang suicide note sa lugar na madaling makita. Hal. Idikit sa noo.
  • Planuhin ang isusuot. Isang beses ka lang mamatay, kaya dapat memorable ang get-up. Pumili ng telang hindi umuurong o makati sa katawan. Magbaon ng pares pampalit pag pinagpawisan ka.
  • Kumuha ng de-kalidad na ataul. Maganda ang kulay puti dahil malamig at kumportable kahit tag-init. Huwag magtipid. Mas makakamura kung kukuha na ng memorial plan.
  • Pumili ng magandang puwesto sa sementeryo. Ang puntod ng mga taong ipinanganak sa year of the Rat, Dragon, Rabbit, Snake, Tiger, Chicken, Pork, at Beef ay dapat nakaharap sa Fiesta Carnival. Ang mga ipinanganak sa ibang taon ay dapat i-cremate at gawing foot powder, para gumaan ang pasok ng pera.
  • Itaon ang araw ng libing sa unang dalawang linggo ng buwan, o kaya sa huling dalawang linggo, para gumaan ang pasok ng pera.
  • Kung meron ka na ng kumpletong requirements gaya ng NBI at police clearance, affidavit of loss, voter's ID, cedula, at promissory note, original copy ng birth certificate, at urine sample, at sandamukal na bank deposits para sa mga benificiary na pamilya at mga inaanak, puwede mo ng isagawa ang kalugod-lugod na gawain. Siguraduhin lang na hindi ka mababalita sa tabloid, katabi ng mga article tungkol sa kabayong may tatlong ulo, at sirenang namataan sa Manila Bay. Para gumaan ang pasok ng pera.

Posted by sinag at 12:36 pm | permalink

Previous Comments

‘kinda cool being here! keep up the good work :D

Posted by i who must not be named at February 12, 2007, 3:12 pm

hala :O sayang naman. cute pa naman sya saka nkakatuwa umarte. tsk tsk.

Posted by jumong at February 12, 2007, 3:21 pm

hehhhe…. ang gling nmn ng site na 2… ang cute po ng background… nice site…

Posted by daze at February 12, 2007, 3:27 pm

okay ung bago mong blog ;)

Posted by Nanjiroh at February 12, 2007, 3:27 pm

nakakagulat naman po ang news na yan… ang bata nya pa… tapos nag pakamatay lng…hehhe

Posted by daze at February 12, 2007, 3:37 pm

may nagsasabi, dahil daw 6 months syang walang projects, kaya daw feeling depressed ito sa career nya :(

Posted by sinag at February 12, 2007, 4:12 pm

Naku, babantayan nila si sandara. Baka magpakamatay din. tsk tsk

Posted by cortez at February 12, 2007, 11:50 pm

uy wag naman pati syota ko :-(

Posted by popoy at February 14, 2007, 9:12 am

abay loko pla ung popoy na yan…hhehhe may kapilyuhan din… ang tanga nga lng nung boyfriend…heheheh

Posted by daze at February 15, 2007, 8:29 am

Long but useless story. Pathetic tips but funny. Well… if this is the way you express yourself, no problem abt that, no big deal anyway.

Personal comment: Your blog doesn’t focus on anything. It’s complicated. Compose yourself!

Posted by Lyn at February 18, 2007, 12:21 am

Nice comment Lyn.

Why didn’t you include your link and let us see how is your rightful way of focused composition in your blog?

Pls. post a long & useful story that you’d like to share.

You said it’s complicated. I’m sorry. Next time, I’ll make it simpler just for you

Peace :-)

Posted by sinag at February 18, 2007, 5:21 pm

i love the post! wow… the suicidal tip is kind of cooL.. hehe.. apir!

Posted by rus at February 19, 2007, 4:34 pm

i don’t want to think that lyn is kinda envy of sinag’s work. hehehe. but u know writers have their own way of getting the emotions of his/her prospect readers. it depends on the writer to whom he wants his/her piece be seen.

Posted by hamak na alipin at March 9, 2007, 7:19 am

HAHAHAHA =)) sobrang natawa ako sa mga tips mo! Galeng!

Posted by napadaan lamang at June 8, 2007, 1:33 pm

sayang tsa bkt may suicide. tips hehe maganda yan pag patuloy

Posted by tom at March 5, 2008, 11:03 pm

hihihi…
to sinag: we cant please everyone… but you please me… aray nosebleed!!!!

Posted by noodle at March 18, 2008, 5:15 pm

i love the suicide tips..sa tingin ko magdadalawang isip na ang mag su suicide hehehe..keep it up..

Posted by bagyonirain at April 29, 2008, 5:40 pm

wui..nice try poh.ahehehe..lolz..^_^
mwaah…
pa-add s fs..
aloneinthedark_09@yahoo.com
andso11_kakashi@yahoo.com
hehe..o kea s ym..
ryujin_092000@yahoo.com
enkz!!
wahehehehe.
keep up the good work poh!!
wushoo!!
godbless and more power!!

Posted by unknown at November 11, 2008, 9:57 pm

cheap MBT shoes allows you to be able to have outdoor outfits cheap MBT shoe make you look and feel just as good as the outfits that you are wearing indoors.

Posted by MBT shoes at July 28, 2010, 8:24 am

Add a comment








The Author

Message Board

Blogku adalah ladang uangku:

camkan ini

Menjadi Blogger Yang Bahagia:

makasih gan

Bisnis Syariah:

great site.hi

Indonesia Furniture Handicraft Wholesale Marketplace:

Hello! I only came to appreciate you for your fun and engulfing story. Stories like this are a really awesome way to assist me in English, but I think I got the story ok Thanks again!

Menjadi Blogger Yang Bahagia:

I have looked for information of this caliber for the last several hours. Your site is greatly appreciated.

aNAK SMP:

I have looked for information of this caliber for the last several hours. Your site is greatly appreciated.

Indonesia Furniture Handicraft Wholesale Marketplace:

great post

Eiknujomorp:

nice info

My Blogpost:

amazing blog

My Blogpost:

great site

My Blogpost:

thanks for this info

Used Stationary Bikes:

great blog

Used Stationary Bikes:

nice blog

Direct Transfers:

Awesome. very good topics

hosting profesional indonesia yang murah:

blogwalking

used stationary bikes:

used stationary bikes for us

blogku adalah ladang uangku:

very good stuff here thx

blogku adalah ladang uangku:

blog walking here

Susah: Blogku adalah Ladang Uangku:

Your posts entry is nice.

Used Stationary Bikes:

blogwalking here

Leave a message ▼

Bible Guide

Interesting Links

Visitors